top of page
manibela.png

Cong. Eric L. Olivarez, tinanggap ang sigaw ng mga parañaqueños
 

Ulat ni: Gaspar Latam

Eric_Coc2.jpg

Pormal na naghain ng kanilang COC sina (mula kaliwa) Mayor Edwin L. Olivarez bilang District 1 Congressman, Cong. Eric Olivarez bilang City Mayor, Councilor Binky Faviz bilang City Vice-Mayor at Gus Tambunting bilang District 2 Congressman sa ilalim ng PDP-Laban.

Si Congressman Eric L. Olivarez, ay hinubog at pinanday ng tamang pagseserbisyo sa mga mamamayan na kalakip ang basbas at patnubay ng Diyos at pamilya.


Si Congressman Eric L. Olivarez ay anak ng dating Mayor Dr. Pablo Olivarez at nakaba-batang kapatid na kasalukuyang punong lungsod na si Mayor Edwin L. Olivarez.


Congressman Eric L. Olivarez ay bihasa sa paglilingkod sa mga mamamayan, mula sa laylayan ng lipunan hanggang edukasyon, ekonomi-ya, lehislatura at kabuuhan ng pagpapa-takbo ng lokal na pamahalaan (LGU).


Kaya sa pagtatapos ni Mayor Edwin L. Olivarez sa pangat-long termino Hunyo 2022 bilang punong lungsod ay maisasalin na ito sa taong tunay, tapat at may takot sa Diyos sa kanyang kapatid Mayor Eric L. Olivarez.


Taong 2013 ng umu-po si Mayor Edwin L. Olivarez bilang punong lungsod ng Parañaque, sa taong iyon masalimuot na katutuhanan na ang pamahalaang lokal ng Parañaque ay baon sa pagkakautang na halos apat na bilyong piso.


Mabigat ang iniwang pagkakautang ng dating nanungkulan.


Pero dahil sa sipag, galing at deter-minasyon ni Mayor Edwin L. Olivarez sa ilalim ng Bagong Parañaque, nagkaroon ng magandang bukas ang bawat Parañaqueños.


Mula 2013 sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Edwin L. Olivarez, ang pama-halaang lungsod ng Parañaque ay naibangon sa lugmok na pagkakautang dahil ito ay lahat nabayaran sa ilalim ng kanyang panunungkulan.


Kaya sa pagtata-pos ng panunungkulan bi-lang mayor ni kuya Edwin L. Olivarez ay nararapat lamang na ito ay maisalin sa kanyang kapatid na si kuya Eric L. Olivarez para sa tuloy – tuloy na pag – asenso, tuloy – tuloy na serbisyo sa bawat Parañaque.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page