Mga habal-habal sa lungsod hindi
kayang sugpuin?
Talamak na ang mga habal-bahal sa lungsod ng Parañaque batay sa ating nakalap na impormasyon at reklamo ang mga ito na nagkalat sa iba’t-ibang daluyan ng mga mananakay tulad ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Multinational Access Road, Sto. Niño, Sucat High way, sa BF, Doña Soledad at Don Bosco.
Ito ay ilan lamang sa mga hintayan ng mga abusadong habal-habal boys.
Sa ating pag-iikot at pagtatanong, lakas-loob na tila hindi pa sila kayang tibagin dahil sa pangangaladkad ng mga ito na diumano sila ay protektado ng ilang traffic enforcers at mga lespu sa lugar.
Halimbawa na lamang sa lugar ng Multinational Access Road at Sto. Niño, sangkatutak na reklamo hinggil sa mga abusadong habal-habal boys.
Ayon sa mga tumatangkilik nito, nakaranas sila ng sobrang taas ng paniningil na nagpapahatid lamang sa lugar ng Kaingin, Libjo, Moonwalk at karatig lugar mula sa 50, 100 o kaya ay 150 pesos.
Ang mga pasaway ng habal-habal na ito ay gumagamit pa ng pandadarag sa oras na magreklamo ang kawawang mananakay.
DIGITAL NEWSPAPER
BAGONG BALITA
All Right Reserved 2021 | Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide | Designer: Christian Buara