top of page
manibela.png
Darna.jpg

Jane De Leon bilang Darna

Nagkaroon ng live cast reveal ang nasabing TV series na Darna na ididirek ni Chito S. Roño sa San Jose Del Monte, Bulacan, na sinudan naman ng story confe­rence at sisimulang mag-taping sa susunod na buwan.


Si Joshua ang ga-ganap sa papel bilang si Brian isang pulis at EMT, na magiging ka-love team ni Narda/Darna (Jane). Si Zaijian naman ang gaganap sa character ni Ding, ang nakababatang kapatid ni Narda at nag-aalaga sa ‘mahiwagang bato’.


Iza Calzado bilang Leonor ang ina ni Narda na gaganap na unang Darna at magpapasa ng ‘mahiwagang bato’ kay Narda.


Pasok din sa programa sina Rio Locsin, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan, Kiko Estrada, Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A Santos, Yogo Singh, Young JV, at Gerard Acao.


Ang magsisilbing kon-trabida naman ni Darna na si Valentina ay hindi pa inaanunsyo kung sino hanggang sa ngayon.


Lumabas noon na si Arci Muñoz na may interes sa pagganap na Valentina ngu-nit hindi pupuwe-de dahil na nababalitang pag-kandidatura nito bilang konsehal.
Ang Darna ay hango sa panulat ng kilalang pinoy komiks king na si Mars Ravelo.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page