top of page
manibela.png
Column_Gaspar.jpg

PITX at FETODA sapul sa random drug-testing ng LTO at PADAO

Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-sasagawa ng random drug testing sa mga driver ng mga pampasaherong mga sasakyan na nakatalaga sa lugar ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Brgy. Tambo Parañaque City.


Batay sa ulat ng ating natanggap, ang random drug testing sa PITX ay isinagawa noong October 4, 2021 at umabot sa siyamnapu’t dalawang drivers (92) ang nakuhaan ng urine sample, walong pu’t walo (88) ang nag ne-gative samantalang apat (4) dito ang positibo.


Samantala noong October 5, 2021 – pumunta naman ang mga tauhan ng LTO sa FETODA terminal area 1, Pres. Drive Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City upang muling isagawa ang random drug testing sa mga driver ng tricycle.


Umabot  sa animna-pung (60) drivers ang nakuhanan ng urine sample para isailalim sa pagsusuri. Muli apat na driver (4) ang nagpositibo sa droga.


Ang mga nagpositibo sa droga ay pansamantalang kumpiskado ang kanilang mga drivers licence upang maiwasan na ang ma-lalang problema dulot ng droga.


Ito ay alinsunod sa pagpapatupad ng batas sa trapiko na nakapa-loob sa batas pambansa bilang RA 10586 or “The Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”.


Ang inisyatibong ito ay pinangungunahan ng  Land Transportation Office (LTO) kasama ang tanggapan ng Philippine National Police (PNP) at ng Parañaque Anti – Drug Abuse Office (PADAO).


Kaya panawagan sa mga drivers, TODA at iba pang humahawak ng manibela na hangga’t maaaring iwasan o tigilan na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil tuloy – tuloy na ang biglaang pagdating ng mga tauhan ng LTO, PNP sa bawat terminal sa lungsod ng Parañaque.


Samantala ang lung-sod ng Parañaque ay patuloy na ipinatutu-pad ang ordinansa bi-lang 2020 – 016 “An ordinance implementing the drug free workplace program in the city of Parañaque.

DIGITAL NEWSPAPER
BAGONG BALITA
Column_Gaspar.jpg
Column_Exian.jpg
Column_jasper.jpg
Column_Jun.jpg
Column_Ed.jpg
Column_Kurimaw.jpg

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page