top of page
manibela.png

People’s Champ para sa  
pagka-Pangulo sa 2022

Ulat ni: Exianlie Villaverde

2131231.jpg

Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao

Matapos i-anunsyo ni Senator Manny Pacqiuao ang kanyang pagreretiro sa larangan ng boxing sa edad na 42, na may kartadang 62 panalo, 8 talo, at 2 draw at may 39 knock out records ay nagpasya itong tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa Halalan 2022.

​

“Gusto kong pasalamatan ang buong mundo, lalo na ang sambayanang Pilipino, para sa kanilang supor-ta, Paalam boxing”!  ani  Manny Pacquiao, “Mahirap para sa akin na tanggapin na ang oras ko bilang boxer ay tapos na”. Dagdag pa nito sa  kanyang official FB page post.


Inaasahan na ang kanyang pagreretiro sa boxing upang maibigay ang kanyang buong atensyon sa mas malaking laban sa politika at dahil na rin panawagan ng kanyang mga taga-suporta at taga-hanga na umaasa sa kanyang pangako na pagbabago sa ating bayan at pagbibigay serbisyo sa mga Filipino lalo na sa mga mahihirap nating mamamayan.


Ang kanyang pagreretiro ay matapos ang mapait na pagkatalo sa kamay ni  Yordenis Ugas sa Nevada nito lamang Agosto 21. Nanaig ang batang Cuban boxer at Olympic champion kontra Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision upang mapanatili ang kanyang WBA welterweight title, ito ang tanging laban ni Pacquiao sa loob ng dalawang taon.


“Salamat dahil binago ninyo ang buhay ko. Nang naging desperado ang aking pamilya, binigyan niyo kami ng pag-asa, binigyan niyo ako ng pagkakataon na luma-ban palabas ng kahirapan”, sinabi ni Pacquiao sa kanyang video.


“Dahil sa inyo, nagawa kong maging inspirasyon sa mga tao sa buong mundo. Dahil sa inyo nabigyan ako ng tapang upang baguhin ang mas marami pang buhay”. pahayag ni Pacquiao.


Ang rag-to-riches na istor-ya ng buhay ni Senator Manny Pacquiao at ang kanyang makasay-sayang karera na nagdala ng ma-laking karangalan sa ating bansa, kung saan kinilala rin siya bilang Pacman, Pambansang Kamao at People’s Champ.


Gayunpaman, naniniwala si Pacquiao na palagi siyang maaalala ng sambayanan bilang winner. “Hinding-hindi ko makakalimutan kung ano ang aking na-accomplish sa buhay”. “Narinig ko lang ang final bell. Tapos na ang boksing”. Pahayag ni Senator Manny Pacquiao.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page