top of page
manibela.png
Column_Exian.jpg

Boyet Rojo, para konsehal sa Panukulan, lalawigan ng Quezon

Labis akong natuwa ng malamang tutuloy sa pagka-konsehal ng Panukulan, Quezon itong si Jean Paul Rojo a.k.a. DOC BOYET, at tuparin ang kanyang mga pangakong pagtulong sa kanyang kapwa lalo na sa mga taong lubos na nangangailan at naghihirap.


Nakilala ko itong si Doc sa lungsod ng Parañaque matagal na panahon na, at nakita ko sa kanyang mga gawa ang labis na pagpapahalaga sa kanyang kapwa at taos-pusong pag-bibigay ng tulong na walang hinahangad na kapalit o papuri maging ito man ay maliit o malaki.


Dahil sa kanyang sipag at pagpupursigi ay naka-pagpatayo siya ng isang maliit na labolatoryo ng mga ngipin at kalaunan ay naging matagumpay at nakilala sa nasabing lungsod. Likas na matulungin, masipag, mapagkumbaba at madaling lapitan, ito ang mga kata-ngiang masasabi ko kung siya ay ihahalintulad. Kaya ganun na lamang ang aking paghanga sa kanyang pag-takbo bilang isang lingkod bayan dahil mas marami siyang matutulungang mga nangangailangan.


Kaya sa darating na halalan 2022, wag po nating kalimutan na ilagay sa kon-seho ang katulad ni Jean Paul “Doc Boyet” Avellaneda Rojo na lubos na matulungin at hangad lamang ay mapaglingkuran ang kanyang mga nasasakupan.


Nawa ay kasiyahan ka ng Maykapal at bigyan pa ng kalakasan lalo na ngayon isang bayan na ang umaasa sa iyong paglilingkod at tulong.

DIGITAL NEWSPAPER
BAGONG BALITA
Column_Gaspar.jpg
Column_Exian.jpg
Column_jasper.jpg
Column_Jun.jpg
Column_Ed.jpg
Column_Kurimaw.jpg

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page