top of page
manibela.png

Ulat ni: Jun Osorio

PR.jpg

City Mayor Edwin L. Olivarez Director John Visca, City DILG Director at Mr. Andress Altarejos, Executive Director Parañaque Anti_ Drug Abuse Office (PADAO)​​

Tuloy- tuloy na ang CBDRP virtual session sa lungsod ng Parañaque para sa new normal sa ilalim ng pandemic.

​

Dati – rati ang CBDRP ay isinagawa sa pamamagitan ng face to face session harapang pagtalakay ng mga fa-cilitators at ng mga participants (PWU’ps) hinggil sa iba’t – ibang module na nakapaloob sa katatagan kotra droga sa kumunidad (KKDK) at iba pang pagtuturo hinggil sa bawal na droga.


Ang CBDRP ay pro-grama ng pamahalaang national na ipinababa sa lokal na pamahalaan na ibinaba sa barangay ito ay nasa koordinasyon sa iba’t – ibang ahensiya ng gobyerno mula sa DILG, PNP, DDB, PDEA, DOH, DSWD, LGU, Barangay at iba pang ahensiya para sa ikakabuti ng programa.


Ngunit dahil sa kal-baryong pandemic na halos naantala ang takbong CBDRP dahil sa pagkasa ng ECQ, GCQ, MECQ at iba pang health protocol.


Pero dahil sa pagsu-sumikap ng pamahalaan lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Edwin L. Olivarez, PADAO Executive Director Mr. Andres M. Altarejos, Parañaque DILG Director John Visca at bumubuo ng Parañaque Anti-Drug Council, ang lungsod ng Parañaque ay siyang tinitingala hinggil sa mga programang may kinalaman sa ipinag-babawal na gamot. 


Sa katunayan ang lungsod ng Parañaque ay siyang pinakamataas na annual rating mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang pangunahing ahensiya ng gobyerno.


Maliban dito ang la-bing limang barangay (15) ay deklarado bilang drug clear barangay at any day pwede maging “City Drug Cleared” para sa kauna-unahang pagkakataon.


Sa ngayon ang CB-DRP virtual session ay isang hakbang na napapanahon upang ang mga PWU’ps ay magiging tuloy – tuloy ang pag dalo sa CBDRP sa pamamagitan ng virtual session mula sa kani – kanilang tahanan at barangay.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page