top of page
manibela.png

Bukol at sugat kapalit ang karangalan ng bayan

Editorial.jpg

Pinanganak noong Dis-yembre 17, 1978, lumaki sa lalawin ng Kibawe, Bukidnon, probinsya ng Mindanao.
Sa murang edad ay iniwan ni Manny ang kanyang pamilya upang maglayag patungong Maynila at hanapin ang swerte sa larangan ng boxing.
Nagsimulang sumabak sa ibabaw ng lona bilang propesyonal na boxer sa edad na 16 kontra kay Edmund Ignacio at tinalo nya ito sa loob ng 4 rounds sa pamamagitan ng unanimous decision, nang  taon ding ito ay lumaban si Manny sa prominenteng Thailand boxer na si Chatchai Sasakul  sa kartadang  WBC Flyweight title, ito ang kanyang unang sinturon bilang kampeon, 2001 naman ng masungkit ni Manny ang ikalawang belt ng pabagsakin ang noong IBF Junior Featherweigh defender na si Lehlo Ledwaba sa loob ng 6 rounds.
Hindi rin matatawaran ang kaliwa’t kanang suntok na nalasap ng ating pambansang kamao sa kamay ng ilang boksingero, mapa-mexikano man o negro, sapagkat itong mga bukol, pasa at sugat ang nagdala sa ating bansa sa rurok ng katanyagan sa larangan ng sport lalo na sa boxing.
Ano nga ba ang kakayanan ng isang Manny Pacquiao upang pamunuan ang ating bansa?
Bago pa maisipang sumabak ni Manny sa politika ay likas na dito ang magbigay ng tulong gamit ang pera nakukuha nya sa boxing, pagtulong sa kapwa nya boksingero na kinalimutan na ng mga ahensyang magbibigay sana ng gabay at tulong, hanggang sa nalaos na nawalan na ng pag-asang ipagpatuloy ang karera ng boxing, isa na rito ay ang dating Fistorama Bantamweight Champion Junie Margado.
2010 nang maupo si Manny bilang represen-tante ng Saranggani at nasundan pa ito ng ikalawang termino, at naka-pagpatayo ng mahigit 1,000 pabahay para sa kanyang constituents sa Saranggani, naalala ko pa ang nag-viral ng pagtulong ni Manny sa matandang sorbetero, na mababakas mo ang taos-pusong pag-tulong at walang pag-aalinlangan.
Sa likod ng kanyang mga pinadaanan sa buhay na nagsimula sa putik ay mas naiintidihan ng isang Manny Pacquiao ang hinaing, kalam ng sikmura at mga patak ng pawis ng isang maralitang Filipino kumpara sa mga politikong lumaki na sobra-sobra baon sa eskwela, mga bolakbol dahil nagmula sa matataas at kilala pamilya sa lipunan.
Meron pa tayong 8 buwan para isiping maigi kung sino nga ba ang ating iluluklok na lider, iyong mga nagpapanggap ng lumaki sa hirap at naiintidihan daw nila ang katulad natin, o yung totong nanggaling sa hirap at naranasan ang halos hindi kumain sa isang araw.
Tandaan po natin na hindi sa pakiramdam lamang nararamdaman ang hinaing ng isang kapos-palad kundi sa tunog ng kalam ng sikmura at patak ng mga luha sa tuwing nakikita natin ang ating mga anak na kulang sa pag-aaruga dahil sa kawalan ng pera.
Nasa inyong mga kamay ng po ang kinabukasan ng ating mga anak at ng ating bayan.

DIGITAL NEWSPAPER
BAGONG BALITA
Column_Gaspar.jpg
Column_Exian.jpg
Column_jasper.jpg
Column_Jun.jpg
Column_Ed.jpg
Column_Kurimaw.jpg

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page