top of page
manibela.png

Bato at Go, tila
magiging magic
showman sa halalan...

 

DIGITAL NEWSPAPER

Yan ang usap usapan ngayon dahil sa pag aplika ng last minute ni Sen. Dela Rosa bilang presidente sa partido ng PDP LABAN Cusi wing, nauna na rito ang kanyang kasangga na si bisyo ang mag serbisyo Sen. Bong Go bilang bise-presidente sa magkaparehong partido.


Sa huling rehistro ng comelec October 8, 2021, hindi inaasahang may batong pupukol sa mga katunggali bilang papalit sa pamamahala ng bansa.


Kung kaya’t hilong-hilo ang mga suporters ng mga makakaliwa kung ano nanaman bang roleta ang tatama sa mga darating na araw.


Ganun pa man ang nasabing tandem na ito ay isa na bang opisyal? O may mahikang nakatago sa ilalim ng baul ang ipalalabas?


Ayon sa source, may sirkus nanamang gagawin sa ating bansa, kung saan sila lamang di umano ang pang sapaw sa slot na pinag -aagawang posisyon.


Nauna ng sinabi ni Mayor Sara Inday Duterte na wala siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon kung silang dalawa ng kanyang ama na si PRRD ang magka-tandem.


Kamakailan nag file ng Certificate of Candidacy (COC) si Mayor Inday Sara sa pangatlong termino sa probinsya ng Davao, simbolo na wala talaga siyang balak sa anu pa mang mataas na posisyon.


Samantalang si PRRD nag withdraw sa usaping pagka bise-presidente, kung ganun wala na ba sa kasalukuyan ang apilyedong Duterte ang mag iingay sa mas mataas na posisyon? Malalaman sa akinse ng Nobyembre ngayon taon.

Column_jasper.jpg
BAGONG BALITA
Column_Gaspar.jpg
Column_Exian.jpg
Column_jasper.jpg
Column_Jun.jpg
Column_Ed.jpg
Column_Kurimaw.jpg

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page