top of page
manibela.png
moderna.jpg

Dumating na sa bansa ang 1.36 Mil-yong doses ng CO-VID-19 vaccine na Moderna.


Lumapag sa mga vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termi-nal 1 bandang alas- 4:00 ng nitong Saba-do lamang sakay ng China Airlines Flight CI 703.  


Batay sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, umabot sa 1.36 milyon ang pinaka-bagong nai-deliver na doses ng COVID-19 vaccine, kung saan 885,700 ay binili ng gobyerno habang 477,600 naman ang binili ng pribadong sektor.  


Samantala, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr. may inisyal na alokas-yon ang pamahalaan na 45,000 hanggang 50,000 COVID-19 jabs na inilaan para sa pilot vaccination ng mga kabataan na edad 12-17 sa mga piling ospital sa Metro Manila.


Base sa data ng gobyerno hanggang nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad nasa 22.9 milyon indibidwal na ang fully vaccinated habang tinatayang nasa 26 milyon katao naman ang nakatanggap ng first dose ng COVID- 19 vaccine.


Samatala, inaprub-ahan na ng Inter-­Agency Task Force ang pagbibyahe ng mga 18 pababa at 65 pataas mula Metro Manila sa point-to- point interzonal travel sa ilang lugar na nasa ilalim ng Gene-ral Community  Quarantine (GCQ) sakaling makumpleto na nito ang bakuna .

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page