top of page
manibela.png

Miss World Philippines Tracy Maureen Perez, pormal lang sa ama

Tracy.jpeg

Miss World Philippines Tracy Maureen Perez

Isa nang ganap na beauty queen ang Cebuana engineer at model na si Tracy Maureen Perez matapos koronahan nito lamang ginanap na  Miss World Philippines 2021.


Isa sa kan-yang adbo-kasiya ang kapakanan   ng mga solo parent dahil maliban sa lu-maki siya sa pangangalaga ng single mother ay malapit ito sa kanyang puso.


“Just a little bit of backstory po, I was raised by my single mom. Hindi ko po nakilala ang tatay ko. I just know him by his name,” paglalahad ni Tracy.


Nakalakihan niya ang pagpupursige ng kan-yang ina na mabigyan siya ng magandang bu-hay noong ito ay nabu-buhay pa.


“Unfortunately, nama-tay na po ’yong mama ko ten years ago. Kahit nu’ng bata pa ako nakita ko talaga lahat ng paghihirap n’ya para mabuhay kami, maitaguyod ’yong simple naming pamilya,” dagdag ni Tracy.


“Inaalay ko po [ang pagkapanalo ko] sa nanay ko at sa lahat ng mga single parents out there. Hindi po kayo nag-iisa. Nandito po ako para marinig ang inyong mga istorya at matulungan kayo.”


Lumaking walang ama si Tracy at tanging sa larawan lamang niya ito nakita, at wala daw anumang nega-tibong komento si Tracy sa kanyang ama kahit wala ito habang siya ay kinokoronahan.


Kung sakali daw na makilala niya ang kan-yang ama ay formal lamang ang kanyang reaksyon dahil naman siya lumaki dito. tugon ni Tracy.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page