top of page
manibela.png

Sharapova suportado ang Pinay Netter

shara.jpg

Maria Sharapova

Nasasabik na magbalik-aksiyon si Pinay-Canadian netter Leylah Fernandez matapos itong makatanggap ng mga puntos at suhestiyon mula kay five-time Grand Slam champion Maria Shara-pova ng Russia.


Ang US Open finalist na si Fernandez ay nagkaroon ng pagkakataon makausap si Sharapova kung saan pinayuhan siya ng Russian star.


Naganap ang pagkikita nina Fernandez at Shara-pova sa pagdalo nito sa taunang Met Gala sa New York ilang araw matapos na yumuko kay British rival Emma Raducanu sa finals ng US Open noong isang buwan.


Si Fernandez ay naka-takdang humataw sa BNP Paribas Open sa Southern California ngayong linggo. 

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page