top of page
manibela.png
Holdup.jpg

Ang 2 suspek na nambiktima ng taxi na sina Jamil Swafta Batac at Carl Edmond Mercado

Timbog sa kamay ng taong bayan ng Gat-chalian Subsivision, Manuyo Dos, Las Piñas ang dalawang kilabot na holdaper na nambi-biktima sa lugar ng Las Piñas at Parañaque nitong Biyernes, Oktubre 8, 2021.


Batay sa ulat na nakalap ng ating source, ganap ng alas-11:15 ng umaga ay may natanggap na tawag ang Brgy. Manuyo Dos, diumano ay hino-holdap ng dalawang suspek ang taxi ni Edgar Galvan, residente ng Paliparan, Cavite City na may plakang NEE 1738 sa Banaba Street, Gatchalian Subdivison, Manuyos Dos.


Agad na rumesponde ang mga tanod ng nasabing barangay sa pangunguna ni Kagawad Eduardo Taberna at nasakote ang dalawang holdaper na sina  Jamil Swafta Batac at Carl Edmond Mercado nasa hustong gulang, pare-hong residente ng Pamplona Tres Las Piñas, sa tulong na din ng mga security guard ng subdivision.


“Nakuha namin sa da-lawang suspek ang  isang 1.38 revolver na may 3 bala at isang butterfly knife na balisong, salamat sa ating mga concern na residente at agad nilang itinawag sa atin ang pangyayari”. tugon ni Kagawad Eduardo Taberna sa Manibela ng Masa correspondent.


“Pinaalalahan po natin ang ating mga residente na manatiling alerto at mapag-matyag, lalo na ngayong ber months da-hil sa mga naglilipanang masasamang loob”. Dag-dag pa ng Kagawad.


Agad namang dinala ang mga suspek sa tanggapan ng Barangay Manuyo Dos at itinurn-over sa CAA Police Station.

All Right Reserved 2021    |    Copyright Manibela ng Masa • Parañaque Press Club Net Radio Worldwide     |    Designer:  Christian Buara

bottom of page